MANILA – Ilang araw bago ang pagsalubong ng bagong taon, mahigpit na ang pagtutok ng Phil. National Police sa mga insidente ng tinamaan ng ligaw na bala.Kasunod na rin ito ng babala ni PNP Chief Police Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang sinumang indibidwal lalo na ang mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing kaugnay ng pagsalubong sa bagong taonSa interview ng RMN kay NCRPO Chief. Supt. Oscar Albayalde – partikular na kanilang tunututukan ang mga lugar kung saan mataas ang insidente ng indiscriminate firing.Kasabay nito, muling binigyan diin ni Albayalde ang babala ni PNP Chief Bato na hindi maawa at haharapin ang batas, lalong lalo na sa mga pulis na mahuhuling nagpaputok ang kanilang baril.Nabatid na sibak sa puwesto ang mga police station commanders na mabibigong maaresto sa loob ng 24 oras ang mga nasangkot sa indiscriminate firing.Magugunita na hindi na pinagplaster ng dulo ng mga baril ng kapulisan upang ipakita na disiplinado na ang hanay ng PNP.
Ilang Araw Bago Ang Pagsalubong Ng Bagong Taon, Pnp – Mahigpit Nang Tinututukan Ang Mga Lugar Na Mataas Ang Kaso Ng Indi
Facebook Comments