Manila, Philippines – Iginiit senate majority Leader Tito Sotto III na hindi dapat ikaalarma ang ilang araw ng kawalan ng aktibidad at hindi pagpapakita sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Katwiran ni Senator Sotto, wala namang iniaanunsyo ang Palasyo na problema sa kalusugan ng pangulo kaya walang dapat ipagalala.
Buo ang paniniwala ni Senator Sotto na nagre-relax lang ang pangulo.
“I’m sure the palace will inform us if there is cause for alarm, nag re relax lang yun,” ayon kay Senator Sotto.
Nagtataka naman si Senate President Koko Pimentel, kung bakit ipinipilit ng iba na may sakit ang pangulo kung wala namang ganitong anunsyo ang Palasyo.
Paliwanag ni Pimentel, hindi naman isyu kung hindi nakikita ng publiko ang pangulo dahil nagpapahinga ito.
“If he is resting, well, let him rest. No need to announce “The President is resting.” What for? Hence if ther is no announcement that he is sick why do we insist that he is sick? He is resting from the public eye! I see no issue at all,” paliwanag ni Senate President Pimentel.