Ilang bahagi ng Caloocan, pansamantalang mawawalan ng tubig dahil sa maintenance work ng Maynilad

93

Caloocan City – Ilang bahagi ng Caloocan City ang apektado ng isasagawang maintenance ng Maynilad, bukas (August 23) na magsisimula alas 11 ng gabi hanggang alas tres y media ng madaling araw ng Huwebes (August 24).

Ang mga maapektuhang barangay ay ang barangay 6, 7, 8, 10, 11, 12, 13, 14, at barangay 176.

Habang, alas 11 naman ng gabi sa Huwebes hangang alas 3 ng madaling araw sa Biyernes (August 25) pansamantalang mawawalan rin ng tubig ang Barangay 12, Barangay 178, at Barangay 176.


Sa Quezon City naman, sa barangay Sauyo, NIA Village, mula alas 10 mamayang gabi hanggang alas 4 ng madaling araw bukas.

At sa barangay Bahay Toro, simula alas 10 ng gabi bukas hanggang alas 4 ng madaling araw sa Huwebes.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak na ng tubig dahil posibleng madelay ang pagpapanumbalik sa supply ng tubig depende sa layo o taas ng mga barangay mula sa pumping stations.



Facebook Comments