Naawa ang mga netizen sa sitwasyon ng mga residente at nabiktima ng lindol na nasa gym hanggang ngayon sa Barangay Mainit, Nabunturan sa Davao de Oro.
Ayon sa isang residente sa Nabunturan na si Mark Joseph Peñol, pinasok ng tubig-baha ang gym na temporary evacuation center ng mga nabiktima ng lindol noong nakaraang linggo.
Dahil dito, hindi na nakatulog ang mga residente sa modular tent na ipinagamit sa kanila.
Samantala, na-monitor din ang pagbaha sa bahagi ng Brgy. Mainit sa Nabunturan sa nasabing probinsya kaninang madaling araw.
Inaalam at mino-monitor na ng awtoridad ang pagbaha sa nasabing mga lugar.
Kaugnay sa PAGASA weather update, apektado ang Davao Region sa pag ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA) kung kaya’t pinapaalerto ang mga residente at mga Disaster Risk Reduction & Management Office (DRRMO) dahil sa posibleng pagbaha at landslide.