Ilang Bahagi ng Lalawigan ng Isabela, Niyanig ng 9 Beses na Magkakasunod na Lindol!

2519

*Cauayan City, Isabela- *Nakaranas ng siyam (9) na beses na magkakasunod na lindol ang Lalawigan ng Isabela.

Unang niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng San Mateo, Isabela dakong alas 12:54 kaninang madaling araw na sinundan ng magkakasunod na magnitude 2.8, 2.5, 1.8, 1.8, 2.0, 2.1, at huling niyanig ng magnitude 1.7 na lindol ang naturang bayan.


Huling naramdaman ang pagyanig sa Lungsod ng Santiago ng magnitude 1.8 na lindol dakong alas 3:27 kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng nasabing pagyanig.

Facebook Comments