Ilang bahagi ng Lansangan sa Caranglan, Nueva Ecija, Pansamantalang Hindi Madaanan Matapos ang Pagguho ng Lupa at Aksidente sa Kalsada!

190

Nueva Ecija- Pansamantalang hindi pa muna madaanan sa mga oras na ito ang kahabaan ng Barangay. Puncan, Caranglan Road sa Nueva Ecija matapos maganap ang pagguho ng lupa sa naturang lugar dakong alas qwatro ng hapon, Hulyo 22, 2018.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, hanggang sa mga oras na ito ay patuloy parin umanong inaayos ng mga otoridad ang naturang lansangan na hindi madaanan ng kahit na anong uri ng sasakyan dahil sa naganap na pagguho.


Samantala, nananatili namang mabigat ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Barangay Capintalan, Caranglan Road, Nueva Ecija matapos namang magsariling maaksidente ang isa pang 10 wheeler truck na puno ng Scrap Metal.

Sa ngayon ay patuloy parin ang mga otoridad sa pag-iimbestiga at pagsasaayos sa naturang lansangan upang maibalik sa normal ang daloy ng trapiko sa naturang mga lugar.

Facebook Comments