Ilang bahagi ng Luzon makakaranas na pag-ulan – PAGASA

684

Inanunsyo ng PAGASA na makararanas ng pagulan ang ilang bahagi ng Luzon sa susunod na mga oras.

Batay sa abiso ng ahensya na inilabas pasado alas-8:00 kaninang umaga asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa buong Metro Manila, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon.

Ang kaparehong panahon ay makakaapekto din sa Tarclac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Bulacan at Rizal.

Payo ng PAGASA sa publiko at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng mga apektadong lugar na panatilihing i-monitor ang weather condition at antabayanan ang susunod nilang weather advisory.

Facebook Comments