₱680K na halaga ng shabu, nasabat sa Marikina City; Menor de edad, arestado

Nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000 ang nasabat ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Barangay Nangka, Marikina City kagabi.

Arestado naman sa operasyon ang 15-anyos na lalaki na nahulihang may dala ng iligal na droga.

Maliban sa shabu, nakuha rin sa suspek ang ₱1,000 buy-bust money.


Agad namang dinala sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binatilyong suspek.

Facebook Comments