Ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan, makakaranas ng daily water interruption tuwing gabi simula April 30

Tiis-tiis muna sa ilang customers ng Maynilad dahil inanunsyo ng water concessionaire na mawawalan muna ng tubig ang piling lugar sa Metro Manila at Bulacan tuwing gabi simula bukas, April 30 hanggang May 16, 2022.

Sa abiso, mawawalan ng tubig simula mamayang alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa mga sumusunod na lugar:

Bulacan – Brgy. Catanghalan


Parañaque – Brgy. Sun Valley

Makati – Brgy. Bangkal At Brgy. Palanan

Valenzuela – Brgy. Arkong Batom Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen T. De Leon, Isla, Karuhatan, Mabolo, Malanday, Malinta, Marulas, Maysan, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Pasolo, Poblacion, Polo, Rincon, Tagalag, Ugong, Viente Reales At Wawang Pulo

Pasay – Brgy 41 To 49, 51 To 53, 56 To 59, 63 To 68, 71 To 75, 80,81, 84 To 86, 89, 91, 93 To 101, 104, 106 To 110, 112 To 115, 118, 120,122, 123, 125, 126, 128, 130, 131, 133, 135 To 138, 140, 142 At Bangkal.

Navotas – 12, 14, Bagumbayan North At South, Bangkulasi, Daanghari, Navotas East At West, North Bay Boulevard, San Jose, San Rafael, San Roque, Sipac-Almacen, Tangos At Tanza

Maynila – 1 To 10, 18, 20, 48 To 66, 68 To 71, 74 To 76, 78, 81, 119 To 121, 124 To 153, 155, 160, 163, 168-172, 177 To 186, 198 To 287, 289 To 292, 294 To 325, 329 To 472, 474 To 478, 482 To 501, 504 To 520, 570, 571, 576, 626 To 648, 654, 655, 657 To 661, 663, 664, 666, 667, 669, 671, 672, 674, 676, 696 To 701, 202-A, 659-A, 660-A, 663-A At 664-A

Quezon City – 131, 166, 170, A. Samson, Bagbag, Bagong Silangan, Balingasa, Batasan Hills, Commonwealth, Dona Josefa Marcos, Greater Fairview, Greater Lagro, Gulod, Holy Spirit, Kaligayahan, Lourdes, Maharlika, Manresa, Masambong, N.S Amoranto, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Paang Bundok, Pag-Ibig Sa Nayon, Pasong Putik, Payatas, Saint Peter, Salvacion, San Agustin, San Bartolome, San Isidro Labrador, San Jose, Santa Teresita, Santo Domingo, Sauyo, Siena, Sta. Lucia, Sta. Monica, Talayan, Talipapa, at Tatalon

Malabon – 14, 31, 161, Acacia, Baritan, Bayan-Bayanan, Catmon, Concepcion, Flores, Hulong Duhat, Ibaba, Longos, Maysilo, Muzon, Niugan, Panghulo, Potrero, San Agustin, Santolan, Tanong, Tinajeros, Tonsuya at Tugatog

Caloocan – 1 To 6, 8, 10 To 28, 30 To 38, 40 To 44, 46 To 50, 52 To 71, 73, 74, 77, 78, 80, 93, 97, 98, 101, 103, 105 To 107, 109 To 118, 120, 122 To 131, 148, 149, 152 To 154, 159, 160, 162, 163, 165 To 180, 182 To 188, Bagbaguin, Deparo at Llano

Ayon sa Maynilad, ito ay upang makapag-ipon ang kanilang mga resevoirs sa gabi bilang paghahanda sa mataas na demand ng tubig tuwing umaga kaya inaabisuhan nila ang mga konsumer nila na mag-imbak ng tubig kung kinakailangan.

Nakahanda naman ang kanilang mga mobile water tanker na handang magpadala ng tubig kung kinakailangan.

Upang matiyak kung kasama ang inyong barangay sa maapektuhan ng water interruption ay mangyaring bisitahin ang Facebook page ng Maynilad.

Facebook Comments