7 taong gulang na bata, patay matapos hambalusin ng sariling ama sa kalsada sa Rodriguez, Rizal; suspek, patay matapos umanong pag-uuntugin ang sarili sa kulungan

4447

Patay ang isang 7 anyos na bata matapos paulit-ulit na ihambalos sa kalsada ng sariling ama sa Rodriguez, Rizal.

Kuha sa CCTV ang kalunos-lunos na insidente kung saan pilit na inaagaw ng mga kapitbahay mula sa ama ang anak nito.

Ngunit nang makuha ito ay tila wala na itong buhay dahil sa ininda nitong pinsala sa pagkakahambalos.


Agad namang naaresto ang suspek sa pagtutulungan ng mga kapitbahay at pulisya.

Ayon kay Rodriguez, Rizal Police Chief Lt. Col. Marcelino Pipo, mayroon nang record ang suspek dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga na siyang tinitingnan nilang anggulo.

Bago ang insidente ay ikinandado ng misis ang suspek dahil sa kahina-hinalaang galaw na posibleng epekto ng ipinagbabawal na droga ngunit nakatakas ito at doon na nangyari ang insidente.



Namatay rin ang suspek kalaunan matapos umanong pag-uuntugin ang kaniyang ulo sa loob ng kulungan.

Facebook Comments