Ilang bahagi ng Negros at Panay, nakaranas ng pagkawala ng suplay ng kuryente dahil sa system disturbance ayon sa NGCP

Nakaranas ng pagkawala ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Negros at Panay kaninang 12:57 ng madaling araw dahil sa system disturbance.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dulot ito ng pagkawala ng suplay ng kuryente mula sa Bacolod-Kabankalan at Bacolod-Cadiz 138kV lines at ng pagkahiwalay ng Panay sub grid at ilang bahagi ng Negros.

Naibalik na sa normal ang transmission services kaninang 2:45 ng madaling araw para sa ilang bahagi ng Negros side.


Kaninang 6:37 ng umaga ay naibalik na ang serbisyo ng kuryente sa bahagi ng Panay side.

Nagsasagawa na ang NGCP synchronization ng lahat ng apektadong power plants sa Negros at Panay para maibalik sa power grid.

Iniimbestigahan na ng NGCP ang sanhi ng insidente.

Facebook Comments