Ilang bahagi ng Quezon City, bumagal ang daloy ng trapiko dahil sa bike ride event

Nakakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Quezon City ngayong Linggo ng umaga.

 

Ito ay dahil sa isinasagawang 23rd Tour of the Fireflies – TARA! (Take A Ride for Advocacy!) bike ride event ng Firefly Brigade mula 4:00 AM hanggang 12:00 NN.

 

Apektado ng mabagal ng daloy ng trapiko ang mga sumusunod na kalsada sa lungsod na bahagi ng kanilang ruta:


 

  • Kalayaan Avenue
  • Matino Street
  • Anonas Sikatuna
  • Chico Street
  • Xavierville Avenue
  • Esteban Abada Street
  • F. Dela Rosa Street
  • Katipunan Avenue
  • Luzon Avenue
  • Congressional Avenue
  • EDSA Muñoz
  • EDSA Balintawak
  • Araneta Avenue
  • Quezon Avenue
  • Timog Avenue
  • East Avenue

 

Nakaantabay naman ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko.

 

Dahil dito, pinaiiwas muna ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Facebook Comments