Manu Ginobili, maglalaro pa ng isang taon para sa San Antonio Spurs

Sports – Kasalukuyan ng inaayos ng San Antonio Spurs ang panibagong kontrata para sa veteran player nila na si Manu Ginobli.
Matatadaang matapos matalo sa Golden State Warriors sa playoffs, nagplano na si Ginobli na mag-retiro pero napag-isipan pa raw ng argentinian player na maglaro pa ng isang taon sa Spurs.
Ang two-time all-star at four time NBA champion ay nakapaglaro ng 69 games noong nakaraang season sa Spurs kung saan nakakuha ito ng average na 7.5 points at 2.7 assists.
Bukod kay Ginobli, kasama ring pina-finalize ng Spurs ang kontrata ng Spanish player na si Pau Gasol.

Facebook Comments