Sarado ngayon ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila.
Ito ay para bigyang-daan ang pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan, pagbubukas ng Manila Bay Walk Dolomite Beach at unveiling ng World War II Heritage Canon.
Base sa abiso ng MMDA, simula 6:00 ng umaga, sarado ang southbound at northbound ng Roxas Boulevard mula Katigbak Road hanggang sa TM Kalaw.
Pinapayuhan ang mga motorista na kumaliwa sa P.Burgos, kanan sa Maria Orosa, kanan sa TM Kalaw, o kaliwa sa MH del Pilar o Taft Avenue.
Para naman sa mga truck o trailer truck na dadaan sa Roxas Boulevard, maaring kumaliwa sa P. Burgos o kanan sa Finance Road.
Para sa mga motorist na dadaan sa northbound, pinapayuhan na kumanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Maria Orosa, kaliwa sa P. Burgos.
Para sa mga truck o trailer truck na dadaan sa northbound, kanan sa President Quirino Avenue, kaliwa sa Plaza Dilao.
Bandang alas-3:00 naman ng hapon, isasara ang Roxas Boulevard southbound at northbound para sa pagbubukas ng Dolomite Beach.
Sakop nito ang kahabaan ng TM Kalaw hanggang President Quirino Avenue.
Pinapayuhan ang mga motorista na mula sa northern part ng Manila o Pier Zone na kumaliwa sa P. Burgos, kanan saa Maria Orosa, kanan sa TM Kalaw, kaliwa sa MH del Pilar, kaliwa sa Quirino, kanan sa Mabini hanggang sa FB Harrison o kaliwa sa Taft Avenue.