Mahigit 800 Pulis Maynila, nakahanda na sa pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan ngayong araw

52

Handa na ang Manila Police District (MPD) sa pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan ngayong araw.

Ayon kay MPD spokesman Police Captain Philip Ines, limang mga lugar sa lungsod ang kanilang tututukan.

Asahang nasa mahigit 400 mga pulis ang ipakakalat sa paligid ng Rizal Park para sa Flag Raising Ceremony, 127 naman ang ilalagay sa Musileyo De Los Veteranos Revolucion, 85 sa Manila Hotel at 132 sa Open Odditorium.


Inaasahan din ang mahigipit na seguridad sa soft opening ng Dolomite Beach kung saan 110 na mga pulis ang ipakakalat.

Facebook Comments