Ilang Bahay Kalakal sa Lungsod ng Cauayan, Ipinasara dahil sa Kawalan ng Business Permit!

*Cauayan City, Isabela- *Tuluyang ipinasara ng Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan ang ilang bahay kalakal dahil sa hindi pagbabayad at pagkuha ng business permit.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Atty Sherwin De Luna, Chairman ng Cauayan City Business Permit and Licensing Office, mayroon na silang limang business stablishment ang tuluyang naipasara sa kanilang ginawang pag-iikot at inspeksyon kahapon dito sa Lungsod ng Cauayan subalit agad rin umanong nakapag-comply ang dalawa sa mga naipasarang establisyimento.

Karamihan aniya sa mga naipasara ay hindi na nag-renew ng business permit habang ang iba naman at wala pang permit.


Kaugnay nito ay pinaalalahanan naman ang lahat ng mga may-ari ng naipasarang pwesto na huwag munang mag-operate kung hindi pa naaayos ang kanilang mga kaukulang dokumento upang maiwasan ang paglabag sa Ordinansa.

Samantala, patuloy pa rin ang kanilang pag-iikot at inspeksyon sa mga business stablishment dito sa Lungsod ng Cauayan kaya’t pinapaalalahanan ni Atty. De Luna ang lahat ng mga business owners na tiyakin na ang kanilang mga business permit bago pa masuri o tuluyang maipasara ng mga otoridad.


Facebook Comments