Ilang bahay sa Lubang Island, Occidental Mindoro, napinsala ng pag-ulan na sinabayan ng magnitude 6.6 na lindol

Nasira at gumuho ang ilang bahay sa Lubang Island sa Occidental Mindoro matapos ang pag-ulan na sinabayan pa ng malakas na lindol kaninang madaling araw.

Ang isla ay katapat lamang ng Calatagan, Batangas kung saan naitala ang episentro ng 6.6 magnitude na lindol, alas-4:49 ng umaga.

Ayon kay Lubang Mayor Michael Orayani, may mga gumuhong lumang bahay sa bahagi ng Barangay Maligaya at Barangay Bagong Sikat.


Mayroon ding riverwall na bumagsak sa bahagi ng Barangay Vigo.

Patuloy pang nag-iikot ang mga lokal na opisyal para alamin kung ano pa ang naging pinsala sa iba’t ibang bahagi ng isla.

Facebook Comments