Ilang bansa, idinagdag sa travel ban

94

Nadagdagan pa ang mga bansang sakop ng travel restrictions dahil sa panibagong variant ng COVID-19.

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na pasok na rin sa travel ban ang mga bansang China, Jamaica, Pakistan, Luxembourg at Oman.


Epektibo ang kautusan alas-12:01 ng tanghali ng Enero 13 hanggang Enero 15, 2021.

Sa kabuuan, 32 mga bansa na ang hindi muna pinapapasok sa Pilipinas ang kanilang mamamayan.

Sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) naman at returning Filipinos, exempted sila sa travel restrictions na pinapatupad pero kinakailangan nilang sumailalim sa strict 14-day quarantine kahit na negatibo pa ang resulta ng kanilang RT-PCR test.

Facebook Comments