Cauayan City, Isabela- Pinagpaliwanag ng Deparment of Interior and Local Government (DILG) ang ilang kapitan ng barangay sa lungsod ng Cauayan dahil umano sa hindi patas na pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng Bagyong Rosita na dalawang (2) taon ng nakakalipas.
Ayon kay Lolita Menor, City Social Welfare Officer, hiniling ng mga petitioner na matanggal sa serbisyo ang mga volunteer worker na nagsagawa ng survey pagkaraang manalasa ang bagyo at hindi sumentro sa isyu ng hindi patas na pagbibigay ng ayuda.
Dagdag ni Menor, naging maayos naman ang naging usapan sa pagitan ng mga kapitan at miyembro ng konseho ukol sa isyu ng pamamahagi.
Una nang inakusahan ang tanggapan ng social welfare sa lungsod dahil umano sa pagtanggal sa mga pangalang isinumite ng mga opisyal.
Samantala, asahan na rin ang susunod na tatanggap ng ayuda para sa mga hindi nakatanggap ng kahit anumang tulong pinansyal mula mga ahensya ng gobyerno.
Nagpasalamat naman sa iFM Cauayan si Menor dahil sa patas na paghingi ng panig sa kanila at lubos na maintindihan ng publiko ang kanilang saloobin.