Ilang barangay mula Quezon City, Caloocan, at Valenzuela – makararanas ng water supply interruption bukas (August 29, 2017)

234

Manila, Philippines – Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang ilang mga barangay mula sa Caloocan, Quezon City at Valenzuela City dahil sa pagsasaayos na isasagawa ng Maynilad.

Simula alas 4 ng hapon bukas (August 29) hanggang 10:00 ng umaga (August 30), mawawalan muna ng supply ng tubig ang mga sumusunod:

Caloocan
-Barangay 165 hanggang 167


Quezon City
-Capri
-Gulod
-Sta. Monica
-Nagkakaisang Nayon
-North Fairview
-Novaliches Proper
-San Agustin

Valenzuela
-Bignay
-Canumay East
-Canumay West
-Punturin
Pinapayuhan ng Maynilad ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption, dahil maaaring magkaroon ng delay sa panunumbalik ng water supply, depende sa layo ng lugar mula sa mga pumping station.

Facebook Comments