Ilang Barangay mula sa Walong Bayan sa Isabela, Drug Cleared at Drug Free Na!

7

*Cauayan City, Isabela-* Nasa walong bayan ang naideklara bilang Drug Cleared at Drug free na kinabibilangan ng ilang barangay na nasasakupan nito dito sa lalawigan ng Isabela.

Kabilang sa mga barangay mula sa walong Bayan na idineklara bilang Drug Cleared at Drug Free ay ang bayan ng Alicia, Benito Soliven, Burgos, Gamu, Luna, Roxas, Ramon, at Quirino.

Pinangunahan ito nina PDEA Regional Director Emerson Rosales ng Region 2, Regional Director Jonathan Paul Leusen Jr. ng DILG Region 2, Regional Director Dr. Rio Magbantay ng DOH, at dinaluhan rin ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III at PRO2 Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Isabela Anti-Crime Task force Chairman Ismael Atienza, Pinagsabay-sabay na umano ang deklarasyon ng ibat-ibang barangay mula sa nasabing walong bayan upang mapadali at hindi na gumugol ng mahabang panahon.

Samantala, pabor naman umano si ginoong Atienza sa mandatory Drug testing sa mga estudyante dahil karamihan umano sa mga nahuhuling sangkot sa iligal na droga ay mga estudyante.

Facebook Comments