Suspek na Naghagis ng Granada sa mga Pulis sa Roxas Isabela, Pinagbabaril-Patay!

45

Roxas,Isabela- Pinagbabaril ng kapulisan kagabi ang isang armadong lalaki matapos muling tangkang hagisan ng granada ang mga humahabol na pulis sa Brgy. San Placido, Roxas Isabela.

Hindi pa nakikilala ang lalaki ngunit ito ay may taas na mahigit kumulang na 5ft, nasa bente hanggang trenta anyos, nakasuot ng itim na t-shirt at kulay asul at itim na short.

Batay sa pangyayari, habang nagsasagawa ng checkpoint ang ilang elemento ng PNP Roxas sa kahabaan ng naturang lugar ay biglang umiwas ang itim na motorsiklo na lulan ng suspek.

Hinabol ng kapulisan ang motorsiklo ngunit pumasok ito sa naturang barangay at dito hinagisan ng suspek ng granada ang humabol na mga pulis at sumabog ang granada sa likuran ng patrol car.

Sa aktong muling hagisan ng granada ang kapulisan ay dito na pinagbabaril ang suspek na naging sanhi ng kamatayan nito.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng nasabing suspek na nasa isang purinarya na sa bayan ng Roxas, Isabela.

Facebook Comments