ILANG BARANGAY SA CAUAYAN, APEKTADO SA SCHEDULED POWER INTERRUPTION

CAUAYAN CITY – Maraming lugar sa lungsod ng Cauayan ang makakaranas ng pagkaantala sa suplay ng kuryente dahil sa isasagawang preventive maintenance ng Isabela Electric Cooperative 1 sa darating na September 21, 2024.

Sa abiso ng kooperatiba, sa lungsod ng Cauayan, ilan sa mga apektadong Barangay ay kinabibilangan ng Minante Uno (research), Minante Dos, Distrito Uno, Marabulig Uno, Marabulig Dos, Naganacan, Tagaran, Sillawit, San Antonio, Pinoma, San Isidro, Nungnungan Uno at Dos, at Nagrumbuan.

Magsisimula ang nasabing brown out alas-singko ng umaga at inaasahang babalik naman ang suplay nito pagsapit ng ala-una hanggang alas-otso ng gabi.


Maliban sa mga nabanggit, apektado rin ang iba’t-ibang establisyimento, subdivision, at ilang eskwelahan na sakop ng mga nabanggit na barangay.

Facebook Comments