Walang trabaho ang karamihan sa mga residente nang ilang barangay sa Lungsod ng Maynila.
Sa ginawang pag-iikot ng Radyo Trabaho team para sa ‘Katok Bahay, Sorpresa Trabaho,’ ito ang bungad sa team ng mga barangay captain ng Barangay 96, Barangay 85 at Barangay 73.
Ayon kay Barangay 96 Chairman Loy Lacson, sa 4,800 populasyon ng kaniyang barangay, halos lahat ay walang trabaho.
Umaasa na lamang ang mga residente sa pagtitinda sa harap ng bahay para kahit papaano ay kumita.
Ganito rin ang sinabi ni Barangay 85 Chairman Dennis dela Rosa.
Ayon naman kay Barangay 73 Chairwowan Rosemarie Samonte, 30 percent ng halos 3,000 populasyon ng barangay ang wala ring trabaho.
Nakikipag-ugnayan pa raw sila sa City PESO kapag may ka-barangay silang naghahanap ng trabaho.
Pero sa tulong aniya ng DZXL Radyo Trabaho ay mas madali nang matutulungan ang kaniyang mga ka-barangay.
Bukod kasi sa trabaho na ang lumapit sa kanila, namigay pa ang DZXL Radyo Trabaho ng mga regalo tulad ng mugs at kalendaryo.