CAAP, naglabas na rin ng NOTAM kaugnay ng abnormalidad ng Kanlaon Volcano

Naglabas na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notices to Airmen (NOTAM) kaugnay ng abnormalidad ng Kanlaon Volcano.

Bukod ito sa naunang NOTAM na pinalabas ng CAAP sa Taal at Mayon volcanoes.

Sa ngayon kasi ang Kanlaon Volcano ay nasa Alert Level 1 na rin dahil sa pinapakita nitong abnormalidad.


Pinapayuhan ng CAAP ang mga piloto na iwasang dumikit sa naturang mga bulkan dahil sa ano mang oras ay posibleng pumutok ito at delikado sa mga eroplano.

Facebook Comments