Ilang Barangay sa Naguilian, Isabela, Idideklarang Drug Cleared at Drug Free!

*Naguilian, Isabela- *Nakatakdang ideklara ng PDEA ang limang bayan ng Naguilian bilang Drug Free at Drug Cleared sa January 22, 2019 na gaganapin sa munisipyo nito.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Senior Inspector Garry Macadangdang, hepe ng PNP Naguilian, Isabela sa programang Unang Radyo, Unang Balita ng RMN Cauayan.

Aniya, mula sa 25 barangay na sakop ng Naguilian ay maidedeklara na bilang Drug Free ang limang Barangay na kinabibilangan ng Brgy Aguinaldo, Brgy Bagong Sicat, Brgy. Sto. Tomas, Brgy. Manaring at Brgy. La Union habang maidedeklara naman bilang Drug Cleared ang Brgy. Burgos at Brgy. Rizal.


Kaugnay nito ay mas lalo pa anya nilang dodoblehin ang kanilang pagsisikap upang malinis na sa droga ang buong bayan ng Naguilian.

Mensahe naman ng hepe sa publiko na maging responsableng mamamayan upang mapanatili ang kapayapaan at katahimikan sa lugar.

Samantala, payapang naidaos nitong January 13, 2019 ang kanilang Unity Walk, Interfaith Rally kasama ang mga Brgy Officials, LGU at iba’t-ibang hanay ng ahensya ng gobyerno kaugnay sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Inihayag rin ni PSI Macadangdang na wala ng makakatunggali ang incumbent Mayor na si Engr. Juan Capuccino sa pagka-alkalde ng Naguilian.

Facebook Comments