Ilang barangay sa Quezon City, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig simula ngayong araw

102

Quezon City -Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang baranggay sa Quezon City simula ngayong araw dahil sa maintenance activity ng Maynilad.
Apektado ng water service interruption simula alas 11:30 ng gabi ang barangay Kaligayahan,Greater Lagro, Bahay Toro at Paltok.
Inaasahan namang maibabalik sa normal ang suplay sa mga nabanggit na baranggay alas-3:30 hanggang alas-4:00 ng umaga ng Martes.
Pinayuhan ng Maynilad na mag-ipon ng sapat na tubig ang mga residente ng naturang baranggay nang sa gayon ay makaiwas sa abala.
Samantala, mawawalan naman ng suplay ng tubig ang Barangay Sauyo (Nia Village) bukas (August 22) dahil sa maintenance activities ng Maynilad.

Facebook Comments