Sunog sumiklab sa ginagawang hotel sa Taguig City

325

*Taguig City – *Tinupok ng apoy ang ginagawang bahagi ng Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Nagsimula ang sunog 5:55 kaninang umaga sa generator set area ng hotel sa ika-dalawang palapag ng gusali sa 7th Avenue.
Agad pinalabas ang mga empleyado at guests ng hotel matapos sumiklab ang sunog.
Ayon kay Taguig City Fire Marshall Inspector Severino Sevilla, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naideklarang fire out 8:43 ng umaga.
Wala namang nasaktan sa sunog at inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala.

Facebook Comments