Monday, November 16, 2026

ILANG BARANGAY SA SAN CARLOS CITY, MAKARARANAS NG POWER INTERRUPTION MULA NOBYEMBRE 16 HANGGANG 20; PITONG ORAS NA WALANG KURYENTE, NAKA-ISKEDYUL KADA ARAW

Nakatakdang magkaroon ng magkakasunod na power interruption sa iba’t ibang bahagi ng San Carlos City, Pangasinan mula Nobyembre 16 hanggang 20 dahil sa mga isasagawang maintenance activity ng Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO).

Ayon sa power advisory ng CENPELCO, magsisimula ang mga nakatakdang interruption alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon kada araw.

Kabilang sa mga maaapektuhan ang bahagi ng Magtaking at Paitan sa Nobyembre 16; Magtaking Purok 3 at Paitan-Panoypoy sa Nobyembre 17; Bega, Tarece-Riverside at Lilimasan-Purok 6 sa Nobyembre 18; Ano sa Nobyembre 19; at Doyong-Sitio Bandong at Inerangan sa Nobyembre 20.

Isasagawa ang mga aktibidad para sa right-of-way clearing bilang bahagi ng maintenance ng mga linya ng kuryente.

Pinayuhan naman ng CENPELCO ang mga residente na ituring na laging may kuryente ang mga linya at kagamitan dahil posibleng maibalik ang suplay bago ang nakatakdang oras ng pagtatapos ng interruption. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments