Monday, November 16, 2026

100 PULIS NG DAGUPAN CITY, I-DE-DEPLOY SA SEGURIDAD NG49TH ASEAN LEADERS’ SUMMIT

Magpapadala ang Dagupan City Police Office (DCPO) ng 100 pulis bilang suporta sa pagpapatupad ng seguridad sa nalalapit na 49th ASEAN Leaders’ Summit and Related Summits.

Kabilang ang mga ito sa mga tauhan ng Police Regional Office 1 (PRO1) Civil Disturbance Management (CDM) Contingent na sumailalim sa personnel accounting, pre-deployment briefing at iba pang paghahanda sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Layunin ng mga aktibidad na matiyak ang kumpletong bilang ng mga tauhan, kahandaan sa operasyon, disiplina at pagsunod sa mga itinakdang patakaran bago ang deployment.

Bahagi ito ng paghahanda ng DCPO sa pagsuporta sa mga operasyong panseguridad para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa naturang pagtitipon ng mga lider ng mga bansang kasapi ng ASEAN. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments