Ilang Barangay sa Tuguegarao City, Muling nalubog sa Baha dahil sa tuloy-tuloy na Pag-ulan

Cauayan City, Isabela- Nananatiling lubog pa rin ang ilang barangay sa Tuguegarao City dahil sa naranasang walang tigil na ulan.

Ayon kay City Information Officer Lenie Umoso, ilang kalsada at tulay na rin ang pansamantalang hindi madaanan dahil sa pag-apaw ng lebel ng tubig.

Kinabibilangan ito ng Pinacanauan nat Tuguegarao AVE. cor. Bonifacio Ext. Centro 1 Aguinaldo St. patungo sa Pinacanauan nat Tuguegarao Ave.; Delpol St. Cor. Pinacanauan nat Tuguegarao; Taguinod St. partikular ang Core shelter, Annafunan east at Linao east.


Hindi na rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Pinacanauan overflow bridge matapos umapaw ang lebel ng tubig.

Ayon sa command center ng LGU, kasalukuyan ng inililikas ang mga pamilyang apektado ng pagbaha bagama’t hindi pa humuhupa ang lebel ng tubig sa ilang parte ng lungsod ay pahirapan para sa ilang pamilya ang makaranas muli ng pagbaha.

Matatandaan na ang Brgy. linao east ang matinding nalubog sa baha sa kasagsagan ng Typhoon Ulysses.

Samantala nasa kritikal na lebel ng tubig na ang Buntun Bridge na umabot sa 7.35 meters.

Facebook Comments