Naipamahagi sa ilang mga barangay sa Western Pangasinan ang Barangay Health Station (BHS) packages mula sa Department of Health (DOH) – Ilocos Region na pinondohan sa ilalim ng 2024 Health Facility Enhancement Program (HFEP).
Kinabibilangan ng mga benepisyaryo ang mga barangay ng Cato, Nangalisan, Nayom and Potol sa Infanta, at Brgy. Sapa Grande sa bayan ng Burgos, Pangasinan.
Mapapakinabangan ang mga dressing cart, dalawang minor surgical set, mechanical bed, dalawang spine board, dalawang EENT diagnostic set, weighing scale with BMI calculator, weighing scale for infant, walong fetal doppler and examining table, mga medicine at instrument cabinet, mga nursing kit, tabletop sterilizer, at generating set 10kva.
Layon nito na mapalakas pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal lalo na sa mga komunidad sa mga nasabing barangay.
Samantala, nagpapatuloy ang kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan sa pagtutok sa mga kinakailangang medikal na atensyon ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga inilulunsad na mga health programs. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









