Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino na mayroong 2 brigada at anim na batalyong sundalo ang naka-deploy ngayon sa Negros Oriental.
Sa ambush interview sa Department of Justice, sinabi ni Centino na bahagi ito ng kanilang misyon na matiyak ang peace and order situation sa Negros Oriental matapos ang pagpatay kay Gov. Roel Degamo.
Aniya, military personnel na rin ang ipinalit nila sa mga sinibak na pulis sa lugar.
Naibalik na rin aniya ng militar ang kumpiyansa ng publiko sa kanilang mga ginagawang hakbang sa probinsya.
Sa kabila nito, tuloy- tuloy naman aniya ang ginagawa nilang ugnayan sa Philippine National Police (PNP) para matiyak na magiging maayos ang seguridad sa lugar.
Facebook Comments