Isa pang kasong murder laban kay Bantag, nai-raffle na rin sa Muntinlupa RTC

Nai-raffle na rin sa Muntinlupa Regional Trial Court ang isa pang kasong murder laban kay suspended Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag.

Kaugnay ito ng pagpatay sa inmate na si Jun Villamor.

Napunta ang naturang kaso ni Bantag sa sala ni Judge Gener Gito ng Muntinlupa RTC Branch 206.


Noong nakaraang linggo ay nai-raffle naman sa Las Piñas RTC ang kasong murder laban kay Bantag kaugnay ng pagpatay sa  broadcaster na si Percy Lapid.

Ang kaso laban kay Bantag ay napunta sa Las Piñas RTC Branch 254.

Facebook Comments