Nadagdagan pa ang mga bayan sa lalawigan ng Aurora na nagsuspinde ng kanilang tourism activities bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng bagyong Betty.
Ayon kay Aurora Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Deputy Chief Leandro Dungca, nasa limang bayan na ang nagsuspinde ng tourism activities sa lalawigan.
Kahapon, nagdeklara ang mga bayan ng Dingalan, San Luis at Dilasag habang sumunod na ngayong araw ang Dinalungan at Casiguran.
Sa ilalim nito, kusang ipinapabatid ng mga pamunuan ng hotel sa kanilang mga customers ang suspensiyon ng kanilang booking at hinihikayat na mag-rebook na lamang ng bisita sa Aurora.
Batay sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, nasa ilalim ng Signal No.1 ang hilaga at gitnang bahagi ng lalawigan.