Ilang domestic flights bukas hanggang Miyerkules, sinspinde na rin sa inaasahang epekto ng Bagyong Betty

Maaga nang sinuspinde ang ilang domestic flights kasunod ng inaasahang epekto ng Bagyong Betty sa hilagang Luzon.

Sa abiso ng Philippine Airlines, kanselado na ang flights sa mga sumusunod na araw:

May 29


PR2932/2933 – Manila – Basco – Manila
PR2198/2199 – Manila – Laoag – Manila
PR2230/2231 – Cebu – Baguio – Cebu

May 30

PR2196/2197 – Manila – Laoag – Manila
PR2198/2199 – Manila – Laoag – Manila
PR2932/2933 – Manila – Basco – Manila

May 31

PR2932/2933 – Manila – Basco – Manila
PR2936/2937 – Manila – Basco – Manila

Ayon sa PAL, maaaring mag-rebook ang mga apektadong pasahero ng kanilang flight sa susunod na available na flight, i-convert ang kanilang ticket bilang travel credits na katumbas ng hindi nagamit na pamasahe o di kaya ay ipa-refund ang kanilang binayad.

Facebook Comments