Ilang bayan sa Oriental Mindoro, Albay at Cam Sur, isinailalim na sa state of calamity

Dahil sa pinsala sa mga imprastraktura at sa sektor ng agrikuktura dulot ng bagyong Usman isinailalim na rin sa state of calamity ang walong bayan sa Oriental Mindoro.

Sabi ni Oriental Mindoro Gov. Alfonzo Umali, kabilang dito ang bayan ng Naujan, Baco, Socorro, Pinamalayan, Pola, Bongabon at Bansud.

Inilagay na rin sa state of calamity ang buong probinsya ng Albay at Camarines Sur dahil sa matinding epekto ng bagyong Usman.


Bunsod ito ng matinding baha at mga landslide sa maraming lugar mga naturang probinsya.

Sabi ni Albay Public Safety and Emergency Management Office Chief Cedric Daep, marami na ang nasawi sa kanilang lugar habang halos 70 mga bahay naman ang nasira.

Ayon naman kay Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, sa huling tala ay umabot na sa mahigit sampu ang nasawi sa kanilang probinsya dahil sa bagyo.

Dahil sa naging deklarasyon, maari nang ilabas ng pamahalaang panglungsod ang kani–kanilang calamity funds para bigyang ayuda ang mga pamilyang naapektuhan at makumpuni ang ilang imprastraktura na sinira ng bagyo.

Facebook Comments