ILANG BAYAN SA PANGASINAN, NAKIISA SA NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

Naganap ang 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill nitong June 08, 2023. Layunin nitong ihanda ang publiko sa kaalaman at kahandaan kung sakaling may mangyaring lindol sa kani-kanilang lugar.
Nakiisa ang ilang Local Government Unit dito sa Pangasinan sa nasabing earthquake drill. Sa bayan ng Binalonan, sabay sabay nag duck, cover and hold ang mga mag-aaral at guro sa iba’t ibang paaralan sa bayan, maging ang mga empleyado ng LGU. Naganap naman sa Alaminos City Water District ang pakiisa ng siyudad ng Alaminos sa Earthquake Drill, sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Habang sa Area 1 Vocational Rehabilitation Center sa Bonuan Binloc naganap ang pakikiisa ng lungsod ng Dagupan.
Ang duck/drop, cover and hold ang tamang earthquake safety position na inirerekomenda ng DOST – PHIVOLCS na pinakaligtas kung sakaling magkaroon ng lindol.|ifmnews

Facebook Comments