LOLA SA LINGAYEN PATAY MATAPOS MABANGGA NG MOTOR HABANG TUMATAWID SA KALSADA

Patay ang isang sisentay singko anyos na Lola matapos itong mahagip ng motor sa bayan ng Lingayen.
Ang biktima ay nakilalang si Dolores Vargas habang ang driver ng motor ay nakilalang si Venson Manuel.
Naganap ang aksidente pasado alas onse ng umaga habang patawid sana ng kalsada sa Domalandan West ang biktima ay aksidenteng mabangga ng motor.

Bunsod nito ay tumilapon ang Lola matapos magtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan maging ang driver ng motor subalit idineklarang Dead on Arrival ang Lola at kasalukuyang inoobserbahan si Manuel. |ifmnews
Facebook Comments