Naglabas ng advisory ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagbabawal sa paghango at pagkain ng shellfish sa mga baybaying dagat sa bansa.
Sakop ng shellfish ban ang coastal waters ng Bataan partikular ang Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal.
Gayundin ang coastal waters ng Milagros sa Masbate, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte, at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Mananatili ang shellfish ban hanggang mataas ang toxicity level ng tahong, talaba, hipon at iba pang bivalve products sa mga nabanggit na coastal waters
Samantala, ang coastal waters ng Biliran Islands, coastal waters ng Leyte, Carigara Bay, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte, San Pedro Bay sa Samar, coastal waters ng Guiuan, at Matarinao Bay sa Eastern Samar ay ligtas na sa toxic red tide.