ILANG BEACHGOERS SA SAN FABIAN BEACH, NADALE NG DIKYA

SAN FABIAN, PANGASINAN – Ilang beachgoers ang nadale ng dikya sa San Fabian beach matapos itong dagsain ng publiko sa paggunita ng Undas.

Tinatayang aabot sa sampung katao ang tinamaan ng dikya na agad namang nilapatan ng first aid.

Nagpaalala naman ang awtoridad na maging mapagmatiyag kung mayroong dikya sa tuwing naliligo sa dagat lalo na sa parte ng kanilang pinagliliguan.


Ilang ahensya ng gobyerno din ang nakaantabay at nagsasagawa ng monitoring sa walong coastal barangay dito bilang pagtitiyak sa kanilang kaligtasan.

Itinuturing ang mga buwan ng Abril at Mayo bilang “jellyfish season” sa bansa.###

Facebook Comments