Hiling na P3 taas-pasahe, hindi muna babawiin ng ilang grupo ng transportasyon

Hindi muna iaatras ng ilang grupo ng transportasyon ang petisyong para sa P3 taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, mananatili ang kanilang kahilingan hangga’t hindi pa naibibigay ang pangakong fuel subsidy sa mga tsuper.

Matatandaang humihirit ang ilang grupo na gawing P12 ang minimum fare sa mga jeep mula sa dating P9 bunsod ng sunod-sunod na oil price hike.


Pero una nang sinabi ng Palasyo na positibo silang maipapamahagi ang fuel subsidy sa apektadong sektor bago matapos ang taon.

Facebook Comments