Ilang biktima ng lindol, inilipat sa ospital ng PCG

Inilipat muna ng Philippine Coast Guard o PCG ang ibang biktima ng lindol sa Bala, Magsaysay, Davao del Norte.

Ayon sa Coast Guard, mas nangangailangan ang iba sa mga biktima ng karagdagang serbisyong medikal dahil nakakaranas ang mga ito ng chronic pulmonary disease, sakit sa bato at puso habang isa ang buntis.

Ang mga biktima ay dinala sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City para mas lalong matutukan ang kanilang karamdaman at maobserbahan na din ang kanilang kalagayan.


Nasa walong doktor at nurses ang ipinadala ng PCG para tulungan ang mga local health officials sa pangangailangan ng mga evacuees.

Dumating na din kahapon ang mga relief goods tulad ng bigas, sardinas, hygiene kits at iba pa kung saan ilan sa mga ito ay naipamahagi na sa mga nabiktima ng lindol.

Facebook Comments