Ilang biktima ng online hacking ng BDO, nabawi na ang kanilang pera

Inihayag ng ilang biktima ng online hacking sa Banco de Oro (BDO) na may dalawang opsyon sa pag-claim ng kanilang pera.

Ayon sa mga biktima, papipiliin ang bawat customer kung gusto nilang pumirma ng quit claim para makuha nila agad ang pera nila o kung magsampa ng kaso laban sa naturang bangko.

Anila, sa oras na pumirma, wala na silang mahahabol sa BDO pagdating sa usaping legal.


Nabatid na mayorya sa mga ito ay kinuha na lamang ang kanilang nawalang pera para iwas-abala pa.

Sa kabila nito, problemado ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) kung paano nila makukuha ang kanilang pera dahil dahil kailangan magpunta ng personal sa bangko.

Kaya hinihiling nila na mga kamag-anak na lamang ang papuntahin at mag-claim sa pamamagitan ng authorization letter.

Facebook Comments