DTI, bukas kung imumungkahing taasan ang operational capacity ng ilang business establishment

Inihayag ng Department of Trade and Industry na bukas sila sakaling imungkahing taasan pa angg operating capacity ng ilang retail stores sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, posibleng nilang ikonsidera ito sakaling bawasan ang kinakailangang distansya sa pagitan ng bawat isa mula sa one meter papuntang 0.75 meter.

Pero sa sa ngayon aniya, hindi pa nakikita ang pangangailangan sa pagluluwag sa umiiral na alert level sa bansa.


Wala pa raw kasi silang natatanggap na reklamo mula sa business owners simula nang itaas ang operating capacity sa ilang establisyimento.

Facebook Comments