Ilang biyahe ng bus papuntang Bicol, fully-booked na!

Fully-booked na ang ilang biyahe ng mga bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX patungong Bicol Region halos isang linggo bago ang Semana Santa.

Kabilang sa mga puno na ay mga biyahe ng bus mula April 1 hanggang April 6.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang pamunuan ng PITX sa ilang kumpanya ng bus at transport operator para matiyak na sapat ang mga pampublikong sasakyan sa darating na Holy Week.


Inaasahang aabot sa 1.2 million ang bilang ng mga pasaherong dadagsa sa PITX pauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Semana Santa.

Facebook Comments