Ilang biyahe ng mga bus sa Avenida, Maynila, matumal pa hanggang sa kasalukuyan

Matumal at kakaunti pa lamang ang bilang ng mga pasahero na dumadagsa ilang mga bus terminal sa Avenida, Maynila.

Halos normal ang sitwasyon at mga biyahe sa mga bus terminal na mga patungong North at Central Luzon gayundin ang pabalik ng Maynila.

Pero ayon sa mga tauhan ng bus terminal sa Avenida, nakahanda sila sa pagdagsa ng mga papauwing pasahero kung saan ang iba nilang unit ay ipinarada sa kani-kanilang garahe upang hindi magkaroon ng siksikan sakaling dumating na ang ibang mga bus na galing probinsiya.


Oras-oras din silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad at sa ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng Maynila para masiguro ang seguridad at magtuloy-tuloy ang daloy ng trapiko.

Pinapayuhan naman ang mga papauwi sa mga probinsiya na may protocols na umiiral sa mga magdadala o isasama sa biyahe ang alagang hayop tulad ng mga kaukulang dokumento, wastong paglalagay ng diaper at kulungan.

Nabatid na hindi pinapayagan ng pamunuan ng bus na isama sa biyahe ang mga alagang hayop kung hindi masusunod ang kanilang patakaran.

Facebook Comments