
Inireport ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang walong kumpanya ng bus.
Ito’y dahil sa umano’y biglaan nilang pagtaas ng pamasahe nang walang pahintulot ng LTFRB.
Partikular na inireklamo ang mga bus company na may biyahe patungong Bicol.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, na-monitor nila sa mga ulat maging sa ticketing booth ang nasabing pagtaas ng pamasahe kaya’t agad nila itong inireklamo sa LTFRB.
Aniya, hindi papayag ang pamunuan ng PITX na samantalahin ng mga operator ng bus ang sitwasyon sa krisis sa langis kaya’t nararapat silang managot sa batas.
Ilan sa mga bus company na inireklamo ng PITX sa LTFRB ay ang Bicol Isarog, R.U. Diaz, Saint Martha, RMB, DLTB Bus Line, Bicol Magayon, Superlines, at JVH.










