Ilang bus sa Araneta terminal, hindi pinabiyahe ng LTO matapos bumagsak sa inspeksyon

Hinidi pinabiyahe ng Land Transportation Office (LTO) ang ilang bus sa Araneta Center Bus Terminal matapos bumagsak sa inspeksyon.

 

Ayon kay LTO-QC Extension Office Chief Bernard Dilangalen, kabilang sa hindi pinabiyahe ay ang mga bus papuntang Ormoc, Leyte dahil hindi gumagana ang mga ilaw nito.

 

Sa kabila nito, nagpalabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng listahan ng mga bus company na nabigyan ng special permit para sa darating na Undas.


 

Kabilang sa nabigyan ng special permit sa mga partikular na ruta ay ang:

 

  1. Victory Liner – Caloocan to Apalit, Caloocan to San Fernando at Caloocan to Olongapo
  2. Baliwag transit – papuntang Hagonoy at sa Baliwag, Bulacan
  3. First North Luzon – papuntang Hagonoy at Macabebe
  4. German Espiritu – papuntang Bulakan, Bulacan
  5. Nuestra Senyora Del Carmen papuntang Garden, Sta. Maria Agila papuntang Angat
  6. Es transport papuntang San Miguel, Bulacan at Sapang Palay
Facebook Comments