
Fully booked na ang karamihan sa mga bus ng DLTB Co Bus Terminal sa EDSA Pasay hanggang sa April 3.
Karamihan sa mga pasaherong nag-book ay papunta sa kani-kanilang mga probinsya, partikular sa Bicol at Visayas para magbakasyon ngayong summer at para sa paggunita ng Semana Santa.
Ilan sa mga pasahero ay bumili na ng ticket noong March 6 at March 26 pa dahil ina-anticipate na anila na posibleng magkaubusan ng ticket o kaya nama’y mahaba at siksikan ang pagpila sa mga ticketing booth.
May online booking din ang naturang terminal, pero ilang mga pasahero pa rin ang piniling bumili ng ticket sa physical ticketing book para iwas scam.
Inaasahan rin na dadagsa pa ang mga pasahero ngayong araw hanggang sa April 1 para sa mga magbabakasyon.
Facebook Comments










